Sa Dulo ng Bahaghari

    DocPDF

    Masakit para kay Lance na matuklasang kaya siya gusto ni Gem ay dahil sa pangangailangan nito. Ang malala pa, nalaman din niyang may asawa at anak na. Parang sinungkit ng nahihilong manananggal ang kirot nu’n sa puso niya. Ang kaso, nagpakatanga pa rin at piniling maniwala ulit nang nagsusumanong sabihin ni Gem na mahal siyang talaga. Pero ayaw magbigay ang bruhitang jowa nito. Inaway siya nang harap-harapan. Minsang birthday ni Gem, talsik ang beauty niya kahit siya pa ang gumastos sa lahat. Para lang wala nang away. Nag-iisip na siyang kalasan ito para huwag naman sila kapwa nagmumukhang pugante pero syempre, naging totoo silang pugante nang mukha na silang nagtanan paalis sa bayan ng Solana. Maritoni and relatives were hot on their heels. Akala nila nakatakas na sila, pero hindi nag-give-up ang babae. This time, she was planning to hunt them down para ipakulong sila. But before it happened, both of them got into a life-and-death accident. Nakaligtas nga lang sila. Nang pagsaulian siya ng malay, nalaman naman niyang itinakbo ni Maritoni si Gem. Walang magawa ang lalake kasi he was suffering from short-term amnesia. Iniuwi pa hanggang Amerika kaya naiwan siyang nganga.

    At kung kailan maayos na ang buhay niya nang walang sagabal na lovelife, saka muling nagbabalik si Gem. Mahal pa daw siya sa kabila ng sampung taon na di man lang nagparamdam. Naturally, it was a shock to him considering na halos nagmongha ang puso niya sa tawag ng pag-ibig sa loob ng sampung taon na iyon. Tapos eeksena lang nang ganoon na lang. Ipinagtapat naman na patay na si Maritoni. It was a relief, at least. Pero hindi siya kampante. Natatakot siya na baka muli itong mawawala na naman. Kaya iniwasan na lang niya ito.

    Pero ayaw pumayag ang mga magulang niya. Pinagkaisahan siya at pinayuhan na muli niyang balikan si Gem. Binigyan pa siya ng ultimatum: Kung talagang desidido na talaga siya na ayaw na niya kay Gem, ipapaasawa na lang daw nila ito sa isang pinsan niya.

    Bothered ang beauty ng lola niyo kasi hindi naman kasi malayo ang posibilidad na gagawin iyon ng kanyang magulang lalo na at ang pinsan niyang iyon, naglalaway na matikman si Gem.

    In the end, his heart finally decided: Sa kanya lang si Gem. Kaya’t walang pagdadalawang-isip na umuwi siya sa kanilang bahay. Pinasok si Gem sa kuwartong tinutuluyan nito sa kanila at niyakap na parang wala nang umagang darating.